Pusher tepok sa buy-bust
Pabs Hernandez III
Jan 26, 2019
1 min read
PAMPANGA—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa bayan ng Candaba sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Renato Manuntag, residente ng nabanggit na bayan.
Nabatid na darakpin sana sa buy-bust operation si Manuntag, pero bigla nitong pinagbabaril ang mga awtoridad.
Dahil dito, napilitan ang pulisya na gumanti ng putok kaya napatay ang suspek.





Comments