top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Negosyante tinodas ng riding-in-tandem

Pabs Hernandez III
Jan 26, 2019
1 min read

NORTH COTABATO—Isang negosyante ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Pikit sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Kamarudin Totol, residente ng Bgy. Galakit, Pagalungan, Maguindanao.

Ayon sa ulat, nakatayo sa harap ng tindahan si Totol nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page