top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ayon sa Chinese medications...  BUTIKI, KERING MAKAGALING NG HIKA!

  • Donna Thea Topacio
  • Jan 26, 2019
  • 2 min read

KUNG noon, eh, sabi-sabi lang ang panini­walang ang butiki ay nakagagaling ng hika, ngayon ay napatunayan na ng mga eksperto na may patotoo ito kung saan, anila, mainam na kainin ang butiki nang sa gayun ay gumaling ang taong sinusumpong ng hika.

Eww, ‘di ba? Pero, nakaka-wow!

Marami sa atin ang mayroong asthma o hika na na-diagnosed mula pa lang nu’ng tayo ay ipinanganak. Ang mga sintomas sa pagkakaroon ng hika ay una, nahihirapan sa paghinga, as in, ‘yung hinahapo at hindi ito biro, pangalawa, makaamoy lang ng pintura o makalanghap lang ng alikabok, eh, nahihirapang huminga at ‘yung iba ay nilalagnat pa.

Gayunman, kung noon, eh, biru-biruan lamang ang sinasabi ng ilan na nakapagpapagaling ng hika ang pagkain ng butiki, eh, ngayon ay may ilang eksperto na ang pinag-aralan ito at may mga sumubok na rin, kaya nalaman nilang epektibo ito.

Base sa mga pasyente na nakasubok na nito ang ilan sa kanila ay inihahalo umano ang butiki sa kanilang kinakain tulad ng paghahalo sa sisig, pizza, burger at iba pa.

Samantala, mayroon ding mismong butiki ang kinakain kung saan iniihaw ito dahil sa paniniwalang mas kumakapit ang kemikal na kering makatanggal ng hika kung ito ay iniihaw. Wow!

Ayon sa pag-aaral mula sa China, ang butiki umano ay nagtataglay ng kemikal na nakagagamot ng hika.

Ibig sabihin, hindi lang pala ito sabi-sabi noon kundi mayroon ding siyentipikong paliwanag. Aha!

Bagama’t, maaari itong makapag­pagaling ng hika, hindi pa rin umano inirerekomenda ng mga eksperto na tangkilikin ito.

Bukod kasi sa weird ito, eh, nakatatakot pa ring sumugal at magsakripisyo, hugot!

Kaya ipinapayo ng mga dalubhasa na kumonsulta pa rin sa doktor nang sa gayun ay maibigay ang tamang gamot at paraan kung paano gagaling ang indibidwal na sinusumpong ng hika.

Pero, nakatutuwa, ‘di ba? Dahil ang paraang ito ay isa sa mga ebidensiya na ang lahat ng bagay ay may kani-kanyang layunin kaya sila nabubuhay sa mundo.

Kaya para sa mga tropapips natin diyan na may hika, alam n’yo na, ha? He-he-he!

Dehins namin sinasabing sundin ninyo ang paniniwalang ito, basta always remember na magpakonsulta kayo lalo na kung kailangan na ninyo.

Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page