30 patay sa landslides
Jersey Sanchez
Jan 26, 2019
1 min read
UMABOT sa 30 katao ang nasawi matapos ang flashfloods at landslides sa Indonesia.
Maraming residente ng Sulawesi Island ang inilikas dahil sa patuloy na pag-ulan.
Gayunman, pinayuhan ni National Disaster Agency Spokesman Sutopo Purwo Nugruho ang mga residente na maging mapagmatiyag at alerto sa banta ng landslides.
Patuloy pa rin ang search operations upang makita ang mga nawawalang residente.





Comments