top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Para sa mga puyat is life riyan... PAGKAKAROON NG AQUARIUM, NAKAI-IMPROVE NG SLEEPING HABIT!

Donna Thea Topacio
Jan 25, 2019
2 min read

NGAYONG marami ng pasyalan kung saan makakakita tayo ng iba’t ibang hayop mula sa dagat tulad ng penguine, pating, jelly fish at marami pang iba. Gayunman, knows ba ninyong ang pagkakaroon ng aquarium sa bahay ay kering maka-improve sa ating pagtulog? Woah!

Ayon sa mga eksperto, maraming pamilya ang nakahiligan nang maglagay ng aquarium sa kanilang bahay kung saan makikita rito ang iba’t ibang uri ng isda na puwedeng alagaan at ‘yung iba naman, eh, puwedeng kainin.

Gayunman, lingid sa ating kaalaman na hindi lang basta disenyo sa bahay ang paglalagay ng aquarium dahil marami itong benepisyong naibibigay sa ating katawan.

Una, ito ay nakare-reduce ng stress dahil sa sense of nature na nagpapakalma sa ating hormones. Pangalawa, kung tumataas na ang ating blood pressure at heart rate, huwag kayong mag-alala dahil epektibo rin umano itong maka-improve dahil ang seaweeds o bato na nakalagay sa aquarium na madalas nating pagmasdan ay nakadi-decrease ng 3 porsiyento ng heart rate. Pangatlo, kung isa kayo sa mga taong mayroong insomnia, makabubuti kung mayroon kayong aquarium sa kuwarto o bahay ninyo dahil nakai-improve umano ito ng quality of sleep dahil sa positive energy na naidudulot nito sa tao. Sa ganitong paraan, dehins mo na kailangan pang magbilang ng tupa o manood ng videos para lang magpaantok. Char!

Dagdag pa rito, napansin ba ninyong may ilang doktor ang naglalagay ng aquarium sa kanilang clinic? Ito ay dahil ang aquarium ay nakadi-decrease ng anxiety at pain, mainam ito lalo na sa mga tsikiting na takot sa injection o dugo.

Speaking of tsikiting, kung mayroong ADHD (attention deficit hyperactivity disorder) ang inyong anak, epektibo rin ang pagkakaroon ng aquarium sa bahay upang makapag-concentrate sila at maiwasan nila ang sobrang kakulitan.

Maliban pa rito, para sa mga matatanda na nag-uulyanin na, ayon sa pag-aaral, ang pagkakaroon ng aquarium ay may magandang maidu­dulot para mas maging maganda ang ating short-term memory.

Gayundin, kung bored o tinatamad tayong kumilos, mainam na pagmas­dan ang aquarium para maging productive tayo bilang indibidwal, in short, hindi tayo ito-tolerate nito para maging tamad na tao. Char! Ha-ha-ha!

Kaya mga beshy, make sure na maglalagay kayo sa inyong bahay ng aquarium kahit maliit lang para makaiwas sa mga sakit at maging happy ang buhay.

Okie? He-he-he!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page