top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

LUCKY JULLIANE, BAKA UMULIT BEST REGARDS, SUBUKAN SA SLLP

Green Lantern
Jan 25, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

HAHATAW ngayon ang pitong karera sa San Lazaro Leisure Park(SLLP) na paglalaban Group Race, Condition Race, 3 Year Old Group Race at 3 Year Old Maiden Race sa Carmona, Cavite ngayong gabi.

Maghaharap sa Group Race (10) ang 11 mananakbo at maghaharap ang 6 na kabayo sa Group Race (8).

Tatlong grupo ang maghaharap sa Condition Race habang isa sa 3 YO Maiden Race at isang sa 3 YO Group Race.

Maghaharap sa Condition Race 16 ang anim na kalahok, pitong kalahok sa Condition 10 na paglalabanan ng local at imported horse habang sa Condition Race 21 maghaharap ang 11 kalahok.

Sa Race 1, kung saan panimula nang Winner Take All (WTA), ipinapatok ang kabayong Lucky Julliane, habang makakalaban ang Can’t Rule Out, at apat ang maglalaban sa Race 2 ang Classis Gee,Doktora, Hiroshima at Entry No.3 na simula ng Pick 6.

Pamoste sa Pick 5 event sa Race 3 ang El Mundo, at pagpipilian ang mga kalahok na Heat Resistant, at Facing Dixie para sa forecast.

Paglalabanan ang pitong maiden horse at pinapaboran ang Best Regards at Inwood Bell sa Race 4 kasabay ng Pick 4 event.

Magsisilbing parating ang Toy For The Bigboy, Entry No.1 at Mood Swing sa Race 5, habang napipisil ang Ava Dream sa Race 6.

Magsisilbing parating ang Entry No.4 at Simply Believe at My Fave para sa WTA, Pick 6 at Pick 5. Tip ni Mang Ding Race 1- Lucky Julliane(4) Can’t Rule Out(8) Race 2- Hiroshima (4) Doktora(2) Classic Gee (1) Race 3- El Mundo(6) Heat Resistant(3) Facing Dixie (5) Race 4- Best Regards(7) Inwood Bell (4) Race 5- Toy For The Bigboy(5) Mood Swing (3) Race 6- Ava Dream(6) Apo(4) Oak Hill(3) Race 7- Entry No. 4 Simply Believe (10) Tisay(9)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page