Gobyerno, bigo sa target na GDP growth
- BULGAR

- Jan 25, 2019
- 1 min read

BIGO ang pamahalaan na makamit ang 6.5 hanggang 6.9 percent na gross domestic product o GDP growth na target noong 2018.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, nasa 6.2% lang ang GDP growth noong nakaraang taon.
Kaugnay nito, ang itinuturong dahilan ay ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kung wala umanong inflation, maaaring na¬kamit o nahigitan pa ang target na GDP growth.
Kaugnay nito, nangako naman ang Malacañang na magdodoble-kayod ngayong taon para makamit ang 7-8 percent na GDP growth.
Kasabay ng pagtitiyak na nasa tamang landas ang economic managers dahil sa mga inilatag na programa para lumago ang ekonomiya.
Sino nga ba ang ayaw umunlad o magkaroon ng komportableng buhay? Kaya kung dismayado ang gobyerno sa bigong target na pag-unlad, gayundin ang mga araw-araw na pakikipagsa¬palaran para mabuhay.
Todo-kayod para maitaguyod ang pamilya sa kabila ng napaka¬raming hamon. Mula sa paghahanap ng trabaho o mapagkakakitaan hanggang sa pagba-budget.
Kung lahat ay mabibigyan ng patas na pagkakataon para kumita, hindi mahirap na maabot ng bansa ang anumang target na pag-unlad nito.





Comments