Bigtime pusher dedo sa shootout
Pabs Hernandez III
Jan 25, 2019
1 min read
QUEZON—Isang bigtime drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. San Roque, Lucena City sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Amado Monteverde, residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa drug-bust operation si Monteverde, pero bigla nitong pinagbabaril ang mga awtoridad.
Dahil dito, agad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.





Comments