top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Advice lang, shut up na dahil ayaw ni Juliet ng ganyan! PBA PLAYER, TODO-DENY NA NAGING PAPA NG SIKA

  • Janice Navida
  • Jan 25, 2019
  • 1 min read

BLIND ITEM:

NAGTATAKA kami sa PBA player na balitang-balita noon na naging papa ng famous gay comedian.

Nu’ng time na nali-link sila, todo-deny siya at kulang na lang ay pandirihan ang pagkakaugnay sa sinasabing gay lover.

Pero ang siste naman, proud na ikinukuwento nito sa ilang kakilala na bigay sa kanya ng ‘itinatanggi’ niyang gay benefactor ang Hummer na sarap na sarap niyang idina-drive.

Matagal na silang break at in fairness sa PBA player, isinosoli naman sana niya ang Hummer sa gay comedian nang magkaroon na siya ng girlfriend, pero ‘di na tinanggap ni bakla.

Kaya ang advice na lang namin sa PBA player, shut up na lang siya kesa i-deny nang i-deny na naging sila ng gay comedian dahil malaki naman ang naging pakinabang niya rito nu’ng mag­dyowa pa sila at may souvenir pa nga siya, in fairness!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page