“Dating leave” sa China, aprub
IPINATUPAD na sa ilang kumpanya sa China ang “dating leave” para sa mga babaeng empleyado.
Kasunod ito ng inisyatibo ng Dinglan Experimental Middle School na bigyan ng leave ang mga guro na single o walang kasintahan sa pamamagitan ng “love leave”.
Samantala, ipinatupad ng Hangzhou Songcheng Performance at Hangzhou Songcheng Tourism Management ang “dating leave” nitong Lunes.
Ito ay para bigyan umano ng pagkakataon ang mga babaeng empleyado na nasa edad 30 na makipagkilala sa ibang tao, partikular sa mga lalaki.
Bagama’t, pareho umano ang bilang ng mga babae at lalaking empleyado sa naturang kumpanya, ilag ang mga babaeng empleyado na makipagkilala sa mga turista.
Gayunman, binansagang “sheng nu” o left over women sa bansa ang mga babaeng nasa edad 30 ngunit, hindi pa nagkakanobyo kahit sila ay matagumpay na sa career.





Comments