Utol, ipinapapatay daw sa pamilya… CLAUDINE, IPINAGTANGGOL SI KRIS, INILAGLAG SI GRETCHEN
- BULGAR

- Jan 24, 2019
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

SPEAKING of Kris Aquino, mainit na pinag-usapan sa mundo ng social media ang diumano’y pagtawag at paghingi niya ng resbak at tulong sa kapatid ni Gretchen Barretto na si Claudine para pagtulungan diumano nilang pabagsakin at sirain si La Greta.
Ito ay matapos mag-post si Gretchen noong Lunes (January 21) sa kanyang Instagram account at ibinulgar na diumano’y tumawag si Kris sa kanyang nakababatang kapatid na si Claudine at humingi ng tulong para pagtulungan siya.
“And what’s this I heard from inside her camp? She called up Claudine to tell my parents that she will file a case against me & put me to jail and asked them for help in destroying me. What is this, a tag team wrestling match? Can’t a “Queen” handle it herself?” ang naging pahayag ni Gretchen sa kanyang Instagram post.
Matagal nang may hidwaang namamagitan sa magkapatid na Gretchen at Claudine na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nareresolba.
Ayon din kay Gretchen, kung kay Nicko Falcis ay sinabi ni Kris na “Ipapapatay kita sa pamilya ko,” ang version naman daw na ginamit sa kanya ng Queen of All Media ay “Ipapapatay kita sa pamilya mo,” dahil sa paghingi nito ng saklolo sa kanyang kaalitang kapatid.
Kasunod nito, agad na humingi ng reaksiyon ang PEP.ph mula sa kampo ni Claudine patungkol sa pagkakabanggit ni Gretchen sa kanyang pangalan.
Ayon kay Claudine, kabaligtaran ng sinabi ni Gretchen sa kanyang Instagram account, wala raw ganu’ng nangyari at hindi tumawag sa kanya ang Queen of All Media para humingi ng tulong para sirain si Gretchen.
Aniya, “Walang ganyang nangyari. Kung sino gumagawa ng ganyang kuwento, ‘di nagsasabi ng totoo.”
Tila nabasa ni Claudine ang post ni Gretchen, kaya matapos ang ilang minuto ay nag-reply itong muli.
Aniya, “Not true at all. May sakit pareho parents ko.
“It doesn’t make sense. Thank you for letting me know.”





Comments