top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Sigaw ni Concepcion, “digitalization, para sa mahirap!”

Thea Janica Teh
Jan 24, 2019
2 min read

HELLO, Bulgarians! Sa henerasyon ngayon, napakalawak na ng teknolohiya hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Marami ng nauusong technology na mas pinadali para sa mga taong gawin ang mga bagay-bagay. Kaya ang Pilipinas, gusto na ring makisabay sa agos ng pagbabago pagdating sa ganitong industriya.

Suportado ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo Founder Joey Concepcion ang digitalization ng micro, small at medium enterprises sa tulong ng digital platforms. Hindi lang sa mga mall, palengke at iba pang platforms maaaring kumita kundi pati na rin sa digital platforms tulad ng ating social media accounts.

Kamakailan lamang ay nakipag-usap si Concepcion sa mga digital pioneer tulad ng Grab, Lazada, Shopee, Angkas, Gawin, Lalamove at Honestbee para pag-usapan at matulungan at mapalawak pa ang MSME sa ating bansa. Dinaluhan din ito ng business organization leaders ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, Makati Business Club, Management Association of the Philippines, ASEAN Business Advisory Council PH at Go Negosyo.

Ibinahagi ni Concepcion ang kanilang mga napag-usapan tulad ng pros and cons sa digital platform. Malaki ang maitutulong ng social media at iba pang digital platforms sa mga MSME dahil bukod sa hindi na nila kailangan pang umupa ng puwesto para bumenta ay madali na rin ang communication sa buyer kahit saanman sila nakatira. Kahirapan ang pangunahing problema ng ating bansa at makatutulong ang platform na ito para mabigyan ng bagong opportunity ang mga Pilipino na magtayo ng kanilang business ng hindi nangangailangan ng malaking halagang panimula sa kanilang ninanais na negosyo.

Tulad na lamang ng Angkas, hindi lamang ang paghahatid sa kanilang mga customer sa kanilang pupuntahan ang serbisyo nila kundi nasasagot na rin ang problema sa trapiko at nakababawas na ng dahilan ng trapik, ngunit, sa kasamaang-palad, binigyan ito ng temporary restraining order at ipinatigil ang operation. Pero, umaasa pa ang mga customer nito at mga rider na maiaalis ang TRO at maipagpatuloy ang ganitong business.

Sabi nga ni Concepcion, “With this, I can say that digitalization is pro-poor where people from low-income communities can benefit and achieve prosperity!”

♥♥♥

Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page