Para sa mga may kaibigan d’yan na hindi na nakakausap ngayon... TIPS PARA MANUMBALIK ANG PAGKAKAIBIG
- Justine Daguno
- Jan 24, 2019
- 2 min read

SABI nila, mas masakit mawalan ng kaibigan kaysa sa dyowa, true ba ‘yun? ‘Yung mga tropa nating nakasama natin sa mala-roller coaster na buhay sa school, childhood friends at ‘yung mga kaibigang biglang sumulpot na lang. Nakalulungkot kapag dumating ‘yung pagkakataon na natapos ang isang chapter sa buhay natin na hindi sila kasama. Marahil, parte talaga ito ng buhay, gayunman, mayroon pa ring mga paraan para muling ma-revive ang friendship:
1. GIVE YOUR EGO A BREAK. Anuman ang dahilan ng pagkakahiwalay natin sa kanila, dapat nating matutunan na walang mangyayaring pag-aayos kapag walang nag-give way at walang masama kung tayo ang unang magpapakumbaba. Gets?
2. DON’T BE AFRAID TO REACH OUT FIRST. Mahirap ito sa umpisa, pero kaibigan natin sila kaya kahit sa tingin natin ay may nagbago na, for sure, mayroon pa ring “space” ang bawat isa. Huwag lang tayong matakot na sumubok, beshy!
3. END THE BLAME GAME ONCE AND FOR ALL. Awat na tayo sa sisihan, both parties ay paniguradong may kasalanan, kaya walang mangyayaring pagkakasundo kung hanggang sa huli ay magtuturuan pa rin tayo kung sino ang tunay na mali. Sa pagkakataong tinanggap nating may pagkukulang tayo, may chance pa rin na magiging okay ulit ang ating friendship.
4. APOLOGIZE FOR YOUR PART IN WHAT HAPPENED. May kani-kanya tayong dahilan kaya nahihirapan tayong magbigay at humingi ng kapatawaran. Huwag tayong maging nega, isipin na lang natin na ang taong ‘yun ay minsan nating nakasama sa pinakamasayang bahagi ng ating buhay. Ansabeee?
5. IF YOU’VE CHANGED, REALIZE YOUR FRIEND PROBABLY CHANGED, TOO. Kung ‘yung taon nga, nagbabago, tayo pa kaya? Siyempre, sa rami ng pinagdaan natin sa buhay, maraming bagay ang nakapagpabago sa atin, hindi man natin ito napapansin. Gayunman, kung hindi tayo mag-a-adjust sa isa’t isa, baka wala na tayong friendship na maisalba. Ooops!
6. CONSIDER THE TIMING. Hindi lahat ay naidaraan sa biglaan, beshy! ‘Ika nga, dapat may buwelo para hindi tayo mabigla. Kung sobrang excited na tayo na makipag-ayos sa ating mga “tropapips”, makitsismis tayo kung may asawa’t anak na sila o saan sila nagwo-work at iba pa, para may alam tayong bago tungkol sa kanila, in-short, stalk natin sila sa FB, ganern! He-he-he!
7. BE PREPARED TO MOVE ON. Siyempre, dapat prepared tayo sa resulta, kung magkakaayos kayo o hindi. Kung magiging okay ulit, maganda ‘yan, pero kung hindi pa, malay mo sa next attempt, maging okay na. Basta, dapat maging prepared tayo sa lahat ng aspeto. Okidoki?
Trial and error ang buhay, sa kahit anong pagkakataon. Tandaan nating kahanga-hanga ang taong hindi natatakot sumubok sa buhay. Sa ngalan ng pagkakaibigan, go lang tayo nang go, friend! Good luck!




Comments