ONE: EUSTAQUIO, ISUSUGAL ANG KORONA, BANARIO-TYNANES, KINGAD-HOKORIO

ITATAYA ni Geje Eustaquio ang kanyang korona laban sa challenger na taga-Brazil na si Adrian Moraes sa Biyernes sa Mall of Asia kung saan dalawa ring Pinoy fighters na sina Danny Kingad at Honorio Banario ay itataya ang kanilang credentials sa magkahiwalay na banyagang kalaban mula Japan at U.S. na gagawin sa Mall of Asia.
Sa faceoff sa pre-fight na ginawa sa City of Dreams, parehong nagpahayag nang kahandaan ang dalawang magkatunggali na kumpiyansang mananalo sa bakbakang “Asia vs. South America.” “I am determined to win this fight to please my countrymen who are praying for my success. I cannot afford to let them down. I will do everything and utilize all my skills and experience to retain my title and satisfy my kababayan. Gusto ko maganda ang start ko taon at pipilitin kong manalo,” sabi ni Eustaquio.





Comments