top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

After 10 yrs., babu na sa PBA… HIRIT NI CHRIS: GUSTO KO NAMANG GUMAWA NG KAPAKI-PAKINABANG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 24, 2019
  • 1 min read

NO regrets ang dating Rain or Shine baske­teer na si Chris Tiu sa desisyon niyang iwan na ang paglalaro ng basketball na sampung taon niyang naging career. Bukod sa pagho-host ng educational show na iBilib, full-time dedication ang demand ng pagiging basketball player. Kaya, nahahati ang panahon niya sa paglalaro, maging sa kanyang pamilya at negosyo.

After 10 years na ginugol ni Chris sa basketball, gusto naman daw niyang gumawa ng ibang bagay na interesting at kapaki-pakinabang.

Maraming fans ang nang­hinayang sa maagang pag­rere­tiro niya sa basketball. Pero suportado naman si Chris ng kan­­yang pamilya, mga kaibigan at kapwa manlalaro sa PBA.

Naging emosyonal si Chris nang parangalan siya recently ng PBA Press Corps at ti­nang­hal na BREAKOUT PLA­YER OF THE YEAR. Nu’n niya naram­­daman ang pagma­mahal at importansiya na ibini­gay ng mga taong nakasama niya sa PBA.

Nu’ng year 2013, naging TOYM awardee si Chris. Na­ging barangay chairman din siya ng Urdaneta Village. Pero, hindi niya kinarir ang pagiging pulitiko dahil hindi raw niya kinaya.

Samantala, magse-celebrate ang iBilib ng 7th anniversary sa Jan. 29. At mukhang masaya naman sa show si Chris Tiu.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page