top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Utol, ipinagtanggol sa AlDub fans… SIGAW NI RIA: ARJO, SIKAT KAHIT WALA SI MAINE!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 23, 2019
  • 1 min read

SA guesting ni Ria Atayde sa Tonight with Boy Abunda, ‘di na napigilan ng Kapamilya actress na maging emosyonal nang mapag-usapan ang sinasabi ng marami na kaya lang sikat ngayon ang kapatid niyang si Arjo Atayde ay dahil sa pagkaka-link nito sa Dubsmash Queen na si Maine Mendoza.

Para kay Ria ay napaka-unfair nito kay Arjo. Alam daw niya kung paano pinag­trabahuhan ng kanyang kuya ang kung anumang meron ito ngayon at para i-discredit ang mga pinaghirapan nito ay ‘di makatarungan.

Pero bago pa man sumagot si Ria sa mga bashers ay nauna na naming nahingan ng reaksiyon si Sylvia Sanchez tungkol sa pamba-bash na natatanggap ng pamilya nila mula nang ma-link ang anak na si Arjo kay Maine.

Sabi ng award-winning actress ay ‘di na lang nila pinapansin at dedma na lang sa kanya ang mga below the belt na tirada sa pamilya nila ng mga AlDub fans, dahil ang mahalaga ay masaya sila.

Mahirap daw na kalaban ang mga taong faceless at nagtatago. Ayon pa kay Sylvia, nanahimik na lang sila, nginingitian ang mga ito at ipinagdarasal dahil naniniwala siya na hindi sila ang maniningil kundi ang nasa Itaas sa kung anumang kasalanan na ginagawa ng isang tao sa kanyang kapwa.

Sa magagandang nangyayari ngayon sa mag-iina kung saan pare-pareho silang may magagandang proyekto na pinagkakaabalahan, wala na nga namang lugar pa sa kanila ang mga negatibong tao.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page