MAUUBOS BA ANG GAS NG PULSE SA HUMAHARUROT NA DYIP?
- Clyde Mariano / ATD
- Jan 23, 2019
- 2 min read

MATAPOS akayin ang Columbian Dyip sa unang panalo kontra defending Philippine Cup champion San Miguel Beermen, muli namang itataya on the line ni top rookie CJ Perez ang ipinagmamalaking kredensiyal kontra opening day winner Phoenix Fuel Pulse Master ngayon sa Araneta Coliseum. Bilang team leader, pangungunahan ni Perez ang opensiba ng Car Assemblers laban sa Pulse Fuel Masters ng 4:30 p.m. na susundan ng sagupaan ng sisters teams at parehong wala pang panalo na NLEX Road Warriors at Talk ‘N Text KaTropa ng 7 p.m.
Tiyak na bibigyan ni coach Johnedel Cardel ang prize rookie at NCAA back-to-back MVP na taga-Pangasinan ng mahabang playing time para mailabas nang todo ang kanyang potensiyal at makaraming points. “I will give him enough playing time to compile many points like he did in his debut against SMB. Hopefully, he will live up to expectation and powers the team to victory anew,” sabi ni Cardel. Tumapos ang Columbian ng 1-10 sa katatapos ng Governor’s Cup na napanalunan ng Magnolia Hotshots. Sa head-to-head nakalalamang ang Phoenix 2-1 kung saan tinalo ang Columbian Dyip sa Philippine Cup at Governor’s Cup. Naungusan ng Car Assemblers ang Pulse Fuel Masters sa Commissioner’s Cup, 115-107. Sa pagpasok ni Perez, malaki ang tsansa ng Columbian Dyip na masilat ang Phoenix kung saan makakalaban niya si Calvin Abueva at malalaman kung sino sa dalawang dating NCAA superstars ang kikilalaning “Best Player of the Game.”
Katuwang ni Perez sina Jackson Corpuz, Reden Celda, Rashawn McCarthy, Jay-R Reyes, Jeremy King at Russell Escoto kontra sa mga bata ni coach Louie Alas sina Jayson Perkins, Justine Chua, JC Intal, RJ Jazul, Dough Kramer, at Alex Mallari. Tiyak na bibigyan ni Perez ng sakit sa ulo si coach Louie Alas kung paano mapipigilan ang malikot at parang palos na back-to-back NCAA MVP at master ng one-on-one.
Sa kabila nang iisa ang may-ari, tiyak na hindi magbibigayan ang NLEX at TNT at parehong gustong manalo upang makapasok sa win column. Parehong natalo ang Road Warriors at KaTropa sa una nilang dalawang laro lalo na at target nina coach Yeng Guiao at Ferdinand Ravena na makaalis sa lungga ng kabiguan at matikman ang panalo.





Comments