Magsuot ng facemask, kumain ng masusustansiya, huwag dumura kung saan-saan atbp... MGA PARAAN PARA M
- Thea Janica Teh
- Jan 23, 2019
- 2 min read

TAPOS na ang Pasko, ngunit, damang-dama pa rin natin ang malamig na panahon. Napakasarap matulog, ‘di ba? Lalo na kapag nararamdaman mong gumagapang sa balat ang lamig na dala ng hangin. Kaya, ngayong panahong ito, uso at naglalabasan na ang mga sakit.
Kabi-kabila ang report hindi lang sa telebisyon kundi pati na rin sa social media tungkol sa pagkalat ng sakit na meningococcemia, isang rare disease characterized by upper respiratory tract infection, lagnat, skin rashes at leasion, ear problems at depresyon. Ito rin ay sakit na dulot ng bakterya na “neisseria meningitidis” na namamahay sa bahagi ng hingahan.
1. PAANO NAKUKUHA ANG SAKIT NA ITO? Ito ay nakukuha sa taong may neisseria meningitidis sa pamamagitan ng pag-ubo, pagbahing, pagdura at pagsasalita. Mas madalas nakukuha ng sanggol at mga kabataan ang ganitong uri ng bakterya, kaya ugaliin natin ang pagtatakip ng bibig kung tayo ay uubo o babahing. Mainam din na ugaliing magsuot ng facemask ngayong panahon para hindi kaagad mahawa.
2. ANO ANG MGA SINTOMAS NG MENINGOCOCCEMIA? Ang mga sintomas nito ay pagkakaroon ng mataas na lagnat, pananakit ng ulo, rashes, pag-ubo, kombulsiyon, stiff-neck, pagkahilo, pagduduwal at photophobia o takot sa liwanag. Kapag nakararanas na ng mga ganitong sintomas ay kaagad nang magpatingin sa doktor para maagapan agad at mabigyan ng tamang gamot.
3. PAANO ITO MAIIWASAN? Panatilihin na maging malusog at kumain ng masusustansiyang pagkain. Mainam din na uminom ng vitamins para hindi kaagad kapitan at mahawahan. Ugaliin din na mag-ehersisyo at dapat ay may sapat na tulog para magkaroon ng sapat na enerhiya sa araw-araw. Umiwas sa bisyo tulad ng pag-inom ng alak at paninigarilyo. Sabi nga, wash your hands, before and after kumain na sagot din para maging malinis at makaiwas sa iba’t ibang impeksiyong dulot ng bakterya.
Kaya panatilihin ang healthy lifestyle dahil ngayong panahon, madaling kumalat ang virus at bacteria na nagiging sanhi ng mga sakit. Kapag may naramdamang hindi maganda ay agad nang kumonsulta sa doktor para maagapan.
Stay healthy, mga ka-BULGAR!

♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments