Kahit sikat na sikat pa… DIREK JUN LANA, UMAMIN KUNG BAKIT 'DI KINUHA SI PIOLO SA GAY ROLE


NAKAUSAP din namin si Direk Jun Robles-Lana who happens to be the writer ng Born Beautiful at sabi niya, bilib na bilib sila ni Direk Perci Intalan kay Martin del Rosario dahil nabigyan nito ng justice ang role ni Barbs na hindi OA ang pag-portray sa role at bumagay talaga dahil ang ganda-ganda nito nang magbihis-babae na.
Agree rin si Direk Jun na may dapat talagang panghinayangan si Christian Bables na hindi sa kanya napunta ang role pero nilinaw niyang nagkaayos na sila ng dati nilang talent sa IdeaFirst Company.
Wala na raw issue sa pag-alis nito sa kanila at matagal na raw silang nagkausap.
Kaya ‘yung blind item na pinagtaguan daw sila ni Christian nang magkita sila sa isang salon, natawa na lang si Direk Jun dahil past is past na nga raw.
Samantala, natanong din namin ang writer ng Born Beautiful kung bakit si Martin ang napili nila (no offense meant kay Martin del Rosario, ha?), instead mga super-sikat na aktor like Piolo Pascual, John Lloyd Cruz o Jericho Rosales na may box-office appeal na para gumanap na Barbs.
Paliwanag ni Direk Jun, of course, gusto rin nilang kumita ang Born Beautiful, pero ang kinonsidera raw kasi nila ay ‘yung babagay sa character na petite, slim at babaeng-babae ang dating.
‘Yung mga nabanggit daw kasi namin ay masyadong malalaki ang katawan at hindi nga naman bagay na kontesera sa mga beauty pageants.
Balita rin ni Direk Jun, as early as now ay ginagawa na nila ang sequel ng Born Beautiful at balak din daw nilang isali sa mga international film festivals ang movie na pinagbibidahan ni Martin del Rosario.
So, bongga!





Comments