top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahit na sino, 'di po ila-love ang ganyan… MORENANG AKTRES, SOBRANG INLAB, SUGAR MOMMY NG USER N

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 23, 2019
  • 1 min read

BLIND ITEM:

KAHIT matagal-tagal na ring nauwi sa breakup ang aktor at aktres na ito, nalo­ka pa rin kami sa kuwen­tong nakarating sa amin kung paano gina­wang sugar mommy ng guy ang girl.

Ang maganda at morenang aktres pala ang sumasagot sa lahat ng mga lakaran nila ng aktor at ultimo toll fee ‘pag magkasama sila ay hinihingi pa nito sa aktres.

Dahil na-in love naman talaga si magan­dang aktres sa aktor, bigay naman ito agad sa user na aktor.

Balita ring nagbunyi ang ina ng aktres nang mauntog ang anak at makipagkalas sa aktor. ‘Di nga na­man katang­gap-tang­gap na kung dati, ang anak niya ang sinu­suyo at ginagas­tusan ng mga nagiging boyfriend nito na nabibi­lang sa ma­yaya­mang angkan, bakit ang anak niya ang guma­gastos sa aktor?

Masaya na nga­yon si aktres sa ba­gong boyfriend nito, samantalang si aktor ay may bago na ring non-showbiz girlfriend.

Ginagawa pa rin kaya niya sa bagong GF ang ginawa niya sa more­nang ak­tres?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page