HAMLET AT FULL OF GRACE PANOLO SA WTA, PICK 6, PICK 5

DALAWANG mananakbo ang magkakahiwalay na kalahok sa karera ang maituturing na puwedeng solohin sa entry sa Winner-Take-All (WTA),Pick 6,Pick 5 ay Pick 4 sa pag-alagwa ng karera sa Metro Manila Tuft Club Inc.(MMTCI) sa Malvar, Batangas ngayong gabi.
Walong karera ang magaganap na paglalabanan ng Group Race,Condition Race at 3 Year Old Group Race.
Sa Race 1, ipinapatok ang Himig at panegundo ang El Rey Leon at pang-trifecta ang Honeywersmypants. Pagpipiliang tayaan ang Gee’s Star, Summer Cruise, Trust Me at Electric Dreams.
Samantala panolo ang Double Rock sa Race 3, habang panegunda ang Alupay Star at trifecta ang entry no.2.
Sa Race 4, maraming solohin ang Hamlet at pumalit ng forecast sa mga kalahok na Gentleman Jim, Entry No.2 at Entry No.6. Iminumungkahi ko na isama ang Airbone Magic, Jade Master at couple entry No.6 sa Race 5.
Patok ang Full of Grace habang makakalaban ang Boss Emong at isama sa talaan ng Trifecta ang Magtotobetsky sa Race 6. Habang ang JunTailor ang pinapaboran at napipisil tumalo si Happy Maggie habang ang Low Key at Gintong Lawin ay isama sa Quartet sa Race 7.
Sa Race 8, maglalaban sa mga paratingan ang mga kalahok na Tempus Fugit, Significant Play at Willing Willie.
Tip Ni Mang Ding -Race 1- Himig (5) El Rey Leon (3) Race 2- Gee’s Star (6) Summer Cruise(4) Race 3- Double Rock (5) Alupay Star (1) Race 4- Hamlet (8) Race 5- Jade Master (1) Airborne Magic (4) Race 6- Full Of Grace (8) Boss Emong (3) Race 7- Jun Tailor (7) Happy Maggie(1) Race 8- Tempus Fugit (7) Wiling Willie (6) Significant Play (8)





Comments