Ex-kagawad todas sa hotel
- Pabs Hernandez III
- Jan 23, 2019
- 1 min read
NUEVA VIZCAYA—Isang dating kagawad ang natagpuang patay, kamakalawa sa loob ng kuwarto ng hotel sa Bgy. San Luis, Diadi sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si ex-Kagawad Eugenio Turingan, residente ng Bgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.
Nabatid na security guard ang nakatagpo sa duguang bangkay ni Turingan na basag ang bungo at nasa tabi nito ang palakol na hinihinalang ginamit ng hindi kilalang suspek sa pagpatay sa biktima.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.





Comments