Ayon sa mga eksperto... SNORKELING, GOOD SA HEALTH!

ILANG buwan pa bago mag-summer, pero may mga taong advance talaga kung mag-isip dahil ngayon pa lang, eh, nag-iisip na sila kung saan sila magbabakasyon at kung anu-anong activities ang kanilang gagawin sa beach o resort.
Sa katunayan, maraming water activities na nauuso ngayon tulad ng banana boat, inflatable, kayaking, para-sailing atbp., pero iba talaga ang snorkeling kung saan makikita ang kayamanan sa ilalim ng dagat. Pero, knows ba ninyong may iba’t ibang benepisyo ang maidudulot nito sa atin? Hindi lang sa pisikal kundi maging sa mental, oh, ‘di ba, bongga?
Base sa mga dalubhasa, ang snorkeling umano ay maaari na ring maging ehersisyo kung saan ito ay identical ng pagsu-swimming na nagre-required upang igalaw natin ang ating buong katawan at dahil sa pagsusuot ng fins at suit nakatutulong ito upang mas ma-enhance ang strength ng indibidwal. Dahil dito, mas magiging maganda ang ating cardiovascular health dahil nai-increase nito ang heart rate, blood circulation at heart muscle natin, gayundin napabababa nito ang tsansa sa pagkakaroon ng sakit sa puso, mataas na cholesterol at blood pressure.
Dagdag pa rito, tulad ng aerobic exercise na pagtakbo, ang snorkeling ay nakabababa ng impact sa joints, kaya sa mga obese at nakararanas ng joint pain diyan, alam n’yo na, ha?
Maliban pa rito, may mga taong takot sa dagat o ‘yung tinatawag nating may phobia. Ayon sa mga eksperto, ang pag-i-snorkeling ay makatutulong upang ma-overcome ang takot sa dagat, pero mas mainam kung habang nag-i-snorkeling ay kasama ang kaibigan o pamilya dahil dehins natin alam kung may mangyayaring aksidente at kapag biglang lumakas ang alon, at least, alam nating may magliligtas sa atin.
Samantala, may iniiwan ding aral ang water activities dahil ipinaaalala nito sa mga turista na dapat ay alagaan natin ang ating kapaligiran nang sa gayun ay mapakinabangan natin ito sa mahabang panahon, iwasan na ang paggamit ng plastik at pagtatapon kung saan-saan dahil kawawa ang mga yamang-dagat.
Kaya mga beshy, ngayong summer, make sure na masusubukan ninyo ang pag-i-snorkeling habang kaya pa nating gawin ito. Kung pinoproblema n’yo ang pambayad n’yo rito, eh, may ilang buwan pa naman kayo para makapag-ipon o kaya kaunting pang-uuto lang kina mamshie at papshie. Hi-hi-hi!
‘Ika nga ng iba, “what is money, paper only”, in short, hindi mapapalitan ng pera ang mga alaala na magagawa natin habang tayo ay nabubuhay pa.
Have an adventurous life, mga lodi! Okie?





Comments