2 tulak tiklo sa buy-bust
- Pabs Hernandez III
- Jan 23, 2019
- 1 min read
LAGUNA—Dalawang drug pushers ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Biñan City sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Lizette Angelo at Ferdinand Briones, kapwa residente sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng apat na sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang dalawang suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments