Patay sa pagsabog ng pipeline 79 na
TUMAAS pa sa 79 ang bilang ng mga nasawi sa pagsabog ng pipeline sa Mexico.
Itinigil na ang search operation sa lugar ng insidente ngunit, maaari pa umanong tumaas ang bilang ng mga nasawi, ayon sa mga awtoridad.
Ayon kay Health Minister Jorge Alcocer, mayroon pang 66 na nasa ospital kung saan ang ilan sa mga ito ay may seryosong kondisyon dahil sa natamong sunog sa ilang parte ng katawan.
Matatandaang, sumabog ang fuel pipeline dahil sa mga pagnanakaw ng langis sa lugar.





Comments