HOROSCOPE | ENERO 22, 2019 (Martes)
- BULGAR

- Jan 22, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ENERO 22, 2019 (Martes): Bago mo paunlarin ang iba, unahin mo muna ang iyong sarili. Puwede rin na habang umaasenso ka ay umaasenso rin ang iba.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kunin mo sa bawat taong iyong makakausap ang magagandang sinabi nila, pero huwag mong tutularan ang mga kilos nila na salungat sa lumalabas sa kanilang bibig. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-15-20-24-32.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong guluhin ang sarili mo nang dahil lang sa marami kang naririnig. Mapapansin mo na ang mga sinasabi ng tao ay magkakaiba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-19-20-27-41-43.
GEMINI (May 21- June 20) - Nagsasama-sama ang mga taong gusto lang ng gulo. Humihiwalay ang may gusto ng katahimikan. Makabubuting lumayo ka sa maiingay dahil walang direksiyon ang kanilang buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-11-16-20-24-27.
CANCER (June 21- July 22) - Bakit mo pipiliting maniwala ang ayaw maniwala? Masasayang lang ang mga paliwanag mo. Gawin mo ang gusto mo nang sa huli ay sila na mismo ang umunawa sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-14-17-21-28-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bihira ang makapapansin na rito sa mundo, ang kakaunti ang mga kaibigan ay mas umaasenso.Ngayong alam mo na ang isa sa mga lihim ng maunlad na buhay, magbawas ka ng mga kaibigan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-18-21-24-32-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lahat ay nakararanas ng kabiguan, kaya hindi man malaking isyu ang mabigo, ang mahalaga ay tanggap mo ang iyong kabiguan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-26-34-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Unahin mo ang iyong sarili kahit pa may ilang magtatampo sa iyo. Mas mahalaga ang kinabukasan kaysa ibang bagay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-8-16-29-30-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagniningning ang bituin sa dilim, kaya bakit mo katatakutan ang dilim? Ngayon ang pagkakataon para maipakita mo ang iyong ningning dahil isa ka ring bituin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-14-23-33-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagkakaroon ang wala at ang mayroon ay nawawalan. Saan ka kaya? Ikaw ay nasa una at huli. Mawawalan ka, pero muli kang magkakaroon kung saan sobrang dami ng mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-21-28-30-38-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakagugulat ang kondisyon bago dumapo sa iyo ang malaking suwerte dahil ito ay nagsasabing, mabubuhay ka muna sa inis at lihim na galit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-4-14-23-35-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iyung-iyo ang araw na ito. Sa ayaw at sa gusto ng mga kontrabida sa buhay mo, hindi maaawat ang langit na hulugan ka ng napakagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-20-28-39-40-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi dahilan ang taglamig para hindi ka kumilos. Ang totoo, kilos ang kailangan sa panahong malamig. Ito ang sikreto kapag nanlalamig ang kapalaran ng tao. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-16-20-35-43-46.




Comments