Ex-gov. noon, alalay ngayon… CHAVIT, TAGAPUNAS NG SIPON NI PACMAN Walang forever kaya nakaahon siya

Beth Gelena / BULGARY FILES

MULING nag-uwi ng korona ang boxing world champion at senador na si Manny Pacquiao kontra kay Adrien Broner. Umabot sa 12 rounds ang laban ng dalawang boksingero nu’ng Linggo.
Ang mga supporters ni Pacquiao tuwing kanyang laban ay nasa kanyang tabi. Ang dati ngang gobernador ng Ilocos Sur na si Chavit Singson ay nagmukhng alalay ni Manny. Siya mismo ang may hawak ng bimpo nang suminga si Pacman na mukhang sinisipon sa araw ng kanyang laban.
Ang dating NBI director na si Ronald “Bato” dela Rosa naman ang bumuhat kay Pacman nang i-announce na siya ang nanalo thru unanimous decision.
Si Jinkee na asawa ni Pacman ay nasa loob din ng MGM Grand Arena at halos hindi matingnan ang mga suntok ng asawa sa kalaban.





Comments