top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dagdag-pensiyon sa mga lolo‘t lola, aprub!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 22, 2019
  • 1 min read

INIHIHIRIT sa Kongreso na itaas sa P5, 000 ang buwanang pensiyon ng mga senior citizen.

Sa kasalukuyan, P500 kada buwan ang social pensi­on na tulong ng gobyerno sa mga senior citizen.

Kulang na kulang para ipantustos sa kanilang mga gamot.

Samantala, malaking bagay naman ang pag-apruba sa dagdag-pensiyon sa mga miyembro ng Social Security System, mula sa P1, 000, itinaas sa P2, 000 kada buwan.

Hindi maitatanggi na sapol din ang mga lolo at lola sa kaliwa’t kanang taas-presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Lalo na silang mga hindi naman nagretiro sa pagkargo sa kanilang mga anak hanggang sa mga apo.

Kaya kung may pagkakataon naman at may pondo ang gob­yerno, ibigay na natin ang halaga na makadaragdag ng tulong sa kanila.

Lalo’t wala na silang sapat na kakayahan para maghanapbuhay.

Ang iba, pinipilit pa ring makadiskarte, mairaos lang ang isang araw habang mayroon ding wala na talaga, umaasa na lang sa darating na tulong.

Kaya sana, huwag na nating ipagkait ang kaginhawahan na maibibigay ng dagdag-pensiyon sa kanila.

Darating ang panahon, tayo rin ay tatanda at kung hindi masyadong pinalad sa kabuhayan ngayong kabataan, kakailanganin din natin ang suporta ng isa’t isa sa pamamagitan ng gobyerno at ng mga batas nito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page