ALAB PILIPINAS, NAGWAGI VS. MONO VAMPIRE SA ABL
- Alvin Olivar
- Jan 22, 2019
- 1 min read

NANAIG ang San Miguel Alab Pilipinas kontra sa Mono Vampire Basketball Club sa overtime, 110-100, noong Linggo ng gabi sa ASEAN Basketball League sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex sa Laguna.
Nanguna sa atake ng Alab Pilipinas si Renaldo Balkman pagkaraang umiskor ng 38 points upang umangat ang kartada ng Alab sa 8-2.
“I’m happy with our guys. We struggled in the first half, but we had a quick turnaround. In the third quarter, we got to string together a lot of stops. Balk was great defensively.
Caelan (Tiongson) triggered our transition. We finally got rolling offensively and we were able to find a way out of that hole we were in,” wika ni San Miguel Alab Pilipinas coach Jimmy Alapag.
Muling nagharap ang magkatunggali sa championship series ng liga noong nakaraang taon kung saan nanalo ang Alab sa best-of-five series noong Mayo.
Sa laro noong Linggo ay pinahirapan ng Mono Vampire ang Alab Pilipinas at umabot sa overtime ang laro matapos tumabla ang laro sa 86.
Ngunit, hindi mapigilan ang Alab noong overtime matapos umiskor ng anim na sunod na puntos si PJ Ramos.
Isang lay-up ni Ray Parks ang tumapos sa laro at makuha ng Alab Pilipinas ang panalo.





Comments