top of page
Pokwang.jpg

Mainam ‘to lalo na sa mga batang dehins nakapag-o-open sa kanilang parents... GADGET NA NAKADE-DETEC

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 21, 2019
2 min read

DEPRESYON, ang sakit na ang mas makapagpapagaling ay pagmamahal at aruga mula sa mga taong may pakialam sa kanilang mahal sa buhay. Sa mga nagdaang taon, lagpas na sa daliri sa ating mga kamay ang bilang ng mga namatay ng dahil sa sakit na depresyon. Nakalulungkot dahil wala itong pinipiling edad at kasarian. Ngunit, marami ng naimbento ngayon na makatutulong upang kahit paano, eh, maagapan pa ang mga ito at isa sa mga ito ang high-tech wearable sensor para kina bagets. Amazing!

Naimbento na ang bagong high-tech wearable sensor na nakade-detect sa pagkakaroon ng anxiety o depresyon.

Saktung-sakto ito para sa mga bagets na nahihirapang mag-open sa kanilang parents lalo na at ayon sa mga eksperto mula sa U.S., nasa 7 porsiyento ng mga bata sa kanilang bansa ay mayroong anxiety habang 3 porsiyento naman ang mayroong depresyon.

Kaya good news dahil ang wearable sensor na naimbento ng mga dalubhasa ay epektibong makatuklas ng depresyon dahil maaari pa nitong maisalba ang mga bata sa kanilang pinagdaraanan.

Gayunman, gumagana ang wearable sensor sa pamamamitan ng algorithm na nakade-determined ng movements kung saan ito ang ginagamit na paraan upang malaman kung malungkot, masaya o galit sila.

Samantala, bukod sa movements ay naa-analyzed din ng sensor ang voice data at iba pang impormasyon na nag-a-allow sa teknolohiya para malaman kung ang pinagdaraanan ng bata ay anxiety o depresyon.

Perfect talaga ‘to para sa mga magulang na busy katatrabaho nang sa gayun pagkauwi nila sa bahay ay malalaman nila kung ano ang nararamdaman ng kanilang mga anak kahit hindi man mag-open sa kanila ang mga ito.

Dagdag pa rito, sa pagdami ng bilang ng mga binabawian ng buhay ng dahil sa depresyon talagang nakababahala na ito, pero mabuti na lang at nagiging aware na tayo kahit papaano.

Kaya ang payo ng mga eksperto sa lahat, kung mayroon tayong kakilala na dumaranas ng depresyon, mainam na tulungan at gabayan natin sila nang sa gayun ay maramdaman nilang mayroon silang kaagapay para malabanan ang kanilang sakit.

Sa totoo lang, hindi biro ang sakit na ito dahil kapag hindi naagapan, eh, ang kapalit ay buhay.

Kaya para sa mga mamshie at papshie natin d’yan, alam n’yo na, ha?

Huwag din tayong masyadong mahigpit sa pagpapalaki sa ating mga anak dahil isa ito sa mga dahilan kung bakit nagiging matigas ang kanilang ulo o nagrerebelde sila.

‘Ika nga, tamang higpit lang para dehins sila nasasakal.

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page