Loyalty niya sa network, 'di raw pinahahalagahan…SIGAW NI BEA: SA GMA-7 AKO YUMAMAN, DITO RIN AK
- BULGAR

- Jan 21, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

NAGPASALAMAT si Bea Binene kina Joyce Peñas Pilarsky at Director Perry Escaño na isinama siya sa cast ng comedy movie na Ang Sikreto ng Piso na showing sa January 30.
Bukod sa nabigyan siya ng chance na muling gumawa ng pelikula, nakasama rin niya sina Gelli de Belen na nakatrabaho lang niya nang mag-guest siya sa Sis noon at si Ariel Rivera na nakasama niya sa Mulawin.
Dahil din sa Ang Sikreto ng Piso, naging visible si Bea. Sa TV kasi, hindi siya masyadong napapanood dahil once a year lang siya gumawa ng teleserye. Sana, this year, maka-dalawang teleserye si Bea dahil marami pa siyang roles na gustong gawin.
Hindi naman nagrereklamo si Bea sa mabagal na dating ng project at feeling blessed pa rin siya dahil may show siya sa GMA News TV at may time mag-aral.
“Pero minsan, maiisip mo, sayang ang oras dahil marami pa akong gustong gawin. Hindi ko goal ang magkapera, gusto ko lang magtrabaho. Nitong later part ko lang naisip, ang dami palang bayarin,” wika ni Bea.
Sabi rin ng aktres, wala siyang pinatamaan sa pahayag na, “I would love to see na naa-appreciate ang loyalty,” dahil matagal na siya sa GMA at dagdag nito, sa network na siya lumaki, pumayat at tumaba uli, yumaman at naghirap uli.





Comments