top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kaya raw natagalan sa pag-amin… XIAN, IKINANTANG MARAMI ANG TUTOL SA RELASYON NILA NI KIM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 21, 2019
  • 2 min read

IT took quite sometime bago uma­min sina Xian Lim at Kim Chiu tungkol sa kanilang relasyon at aminado na­man ang aktor na noong una raw ay natatakot talaga silang umamin dahil nga ang daming nagsasabing ginagamit lang niya ang ka-love team.

“Karamihan ng sinasabi nila, ‘Eh kasi, love team ‘yan, kaya nagsu-sweet-sweet-an.’ I was open with it sa Magan­dang Buhay,” sabi ni Xian.

“Nang nagsisimula kami, ang daming tutol sa relationship, ang daming nagsa­sabi na ‘‘Yan si Xian, ganito kasi ‘yan, gusto lang niyang maki-ride kasi may show sila, nagpo-promote.’”

Nang dumating daw ang time na wala na silang project together at naitanong ulit sa kanila, parang dumating na sila sa point na aminin na.

“And dumating din kami sa point na ang dami na rin naming pinagdaanan, yet we’re still together,” sey niya.

Ano ang pakiramdam na finally ay nailabas na nila sa public ang relasyon nila?

“It feels good, it feels really good and nakaka­gaan lang ng loob,” he said.

Ngayon daw na nasabi na nila sa buong mundo, may mga outside forces man ay hindi na raw ito na­kakaapekto sa kani­lang relasyon.

Siyempre, may mga selosan pa rin dahil tao pa rin naman daw sila, pero na­pag-uusapan na­man lahat.

When asked kung nai­isip na ba nila ang pagpa­pakasal, aniya ay mala­yung-malayo pa sa isip nila ‘yun.

Biro nga niya, baka mga edad 40s-50s pa nila isipin ‘yun.

Ni hindi raw nila napag-uusapan dahil baka malasin.

“Baka ma-jinx, baka malasin. Parang tattoo ‘yan, eh, ‘di ba, ‘pag tina-tattoo mo ‘yung pangalan, ‘di ba, parang malas ‘yun? I mean, hindi, personal, maybe it’s not good to talk about it,” he said.

Pero feeling ba niya ay si Kim na?

“Eh, kung magmahal naman dapat, I think, dapat kung magmamahal kayo, it’s in the back of your head na sana, ito na ‘to. I mean, ang pangit naman na magmahal na ‘Ah, ganito lang muna, enjoy-enjoy.’

Hindi, eh,” sey pa niya.

Pero gusto ba niyang ikasal?

“Naniniwala naman ako sa kasal, siyempre. Of course, naniniwala naman ako,” pahayag ng bida sa pelikulang Hang­gang Kailan opposite Louise delos Reyes.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page