Kaya oks lang kahit kalat na sa madlang pipol…MARTIN, AMINADONG DATUNG ANG KAPALIT NG PAGLALADLAD
- BULGAR

- Jan 21, 2019
- 3 min read

SA aming panayam kay Martin del Rosario bago ang SRO advance screening ng Born Beautiful sa UP Cine Adarna last January 18 (Friday), isa sa mga binanggit niyang mahihirap na eksenang kanyang ginawa ay ang pagsali sa gay beauty contest.
Kinailangan kasi niyang ipitin ang kanyang “ari” para magmukhang flat ang kanyang harapan habang naka-gown.
Ayon pa sa aktor, “Kailangang ipit na ipit. Meron namang plaster pero mahirap. Hindi ka makaupo, kasi mararamdaman mo ‘yung sakit ng plaster na dumidikit sa ari,” natatawa nitong pahayag sa amin.
“Noong una, medyo nahirapan akong mag-adjust. Pero noong magtagal, nasanay na ako. Ang problema lang ay kapag naiihi ka na. So, wala kang choice kundi i-hold mo ‘yun hanggang matapos kayo sa eksena.
“Kaya bago pa man kami mag-shoot, iihi na ako at hindi muna ako iinom habang nagsu-shoot kami.
“Mahirap, kasi ang daming tatanggalin, tapos iiipit mo ulit!” natatawa pa niyang kuwento.
Maging ang nakasungaw na balbon sa kanyang chest, ipinatanggal daw para sa kanyang mga eksenang kailangan nitong magsuot ng gown.
Noong una, akala raw ni Martin, hindi masakit, dahil may mga kapatid naman siyang babae na nag-try na magpa-wax. Tinanong daw niya ang kanyang mga sisters kung painful ang pagpapa-wax.
“Sabi nila, hindi raw. Tinanong ko kung ano ang mas okey, cold or hot wax? Sagot nila, cold wax. Eh, ‘yun pala ang mas masakit!
“Natuwa pa ang mga sisters ko dahil na-torture ako sa pagpapa-wax!” kuwelang kuwento pa ni Martin.
Pinakamasakit daw ang pag-wax sa kanyang dibdib at sa underarms dahil sobrang balbon siya sa mga parteng ito.
“Grabe sa sakit! Noong una, parang okey lang, nato-tolerate ko pa. Pero noong nagtagal, naluluha na ako. Gusto kong sumigaw sa sakit pero nahihiya ako!”
Apat daw ang nagwa-wax sa kanya.
“Merong sa legs ko at meron sa upper body ko.
“Nagdugo sa bandang dibdib ko kasi nga makapal ‘yung tubo ru’n ng buhok. Kaya dinugo talaga ako sa pagpapa-wax.
“Noong tinanong ako kung gusto ko bang ipa-wax sa inner thighs ko or sa bikini area, umayaw na ako! Ayoko na!” sey ni Martin.
Naka-anim na buwan daw silang nag-shoot para sa Born Beautiful kaya tumutubo na raw ulit ang mga na-wax niyang buhok sa dibdib.
“Noong tumutubo na ulit, sine-shave ko na lang.
“Ayoko nang dumaan sa pagpapa-wax! Nakaka-trauma ang sakit!
“Hindi ko alam kung paano ‘yun nate-take ng mga babae.”
Saludo naman si Martin sa kanyang ama na todo-suporta sa kanyang role bilang transgender sa Born Beautiful.
“Parati kong kasama si Daddy sa shooting. Siya ‘yung minsan nakakapansin na hindi pantay ang ayos ng wig ko, na may hindi tama sa paglapat ng gown ko. Mga simpleng detalye, nakikita niya. Big help si Dad for moral support.
“Saka, every scene na gawin ko, he compliments everybody which is great, ‘di ba?
“Kaya natutuwa ako because my dad supports me sa trabaho ko and he’s really proud na naging bida ako sa Born Beautiful,” pagmamalaki pa ni Martin.
Hindi naman daw natatakot na ma-typecast si Martin after niyang gawin ang Born Beautiful pero sinisiguro niyang, “Pahinga muna siguro ako sa gay roles after Born Beautiful. Not because mata-typecast ako sa mga ganitong roles. Gusto ko namang gumawa ng straight, normal na character,” aniya.
Dahil sa convincing nitong portrayal as Barbs na isang konteserang bading sa mga gay contests, hindi raw siya natatakot na kuwestiyunin ang kanyang gender.
“I don’t really mind what other people say, eh. I just do my job. Ever since naman na pumasok ako sa showbiz, ‘yun na ang tsismis nila sa akin. Ten years na ako sa showbiz at ‘yun pa rin ang isyu sa akin. So, pagkakitaan ko na ang mga tsismis na ‘yan, ‘di ba?” natatawa niyang sagot.





Comments