Hollywood actress, may Korean movie na rin…MEGAN FOX, UMAMING FAN NI RAIN NG FULL HOUSE
- Lee Vin Nia
- Jan 21, 2019
- 1 min read

Ang Hollywood actress na si Megan Fox ay avid fan pala ng South Korean singer/actor na si Rain. Ito ang sinabi niya nang interbyuhin siya kamakailan para sa kanyang upcoming Korean movie na Jangsan 9.15 na kinunan din sa nasabing bansa.
Natanong ng interviewer si Megan kung may specific Korean movie or actor ba siya na gusto at dito nga binanggit ng aktres si Rain at tila matagal na siyang fan ng nasabing singer/actor.
“I don’t know if you guys – he is an actor – cause I saw him in Ninja Assassin. I’ve always been a big Rain fan,” pahayag ni Megan Fox na inilabas ng Koreaboo.
Si Rain whose real name is Jung Ji Hoon ay isang sikat na South Korean entertainer. Dito sa atin ay nakilala natin siya bilang bida ng hit Korean drama na Full House kapareha si Song Hye Kyo.
Naka-penetrate rin sa Hollywood si Rain kaya nakilala ni Megan Fox. Ilang Hollywood films din ang nagawa niya kabilang na ang Ninja Assasin noong 2009 na binanggit ng aktres.
Huling K-drama na ginawa niya ang Sketch na inere noong 2018.





Comments