DALAWANG PINOY, PEREZ AT INSON BIGO SA UNDERCARD BOUT


KUNG sinuwerte si Manny Pacquiao sa laban ay nangabigo naman ang dalawa pang Pinoy fighter na sina Jayar Inson na ikalawang Pinoy warriors na sumagupa sa undercard ng Pacquiao vs. Adrien Broner at si Rey Perez na unang sumabak sa MGM Grand Garden Arena.
Nasilat si Inson sa split decision kay Jonathan Steele ng Dallas, Texas sa bakbakan ng eight- round welterweight bout.
Pinabagsak ni Jonathan Steele si Inson sa pagtatapos ng rounds mula sa maagang atake na ikinasorpresa ng Pinoy pug mula Davao.
Nakaligtas pa sana si Inson sa maagang early knockdown at nakipagpalitan ng mabibigat na upak kontra Steele simula sa 3rd round. Suntukang umaatikabo hanggang sa final bell.
Brilyo na sana si Inson sa 7th at 8th round, nang masaktan niya si Steele sa bisa ng kaliwang upak pero di natinag ang Kano.
Ang iskor sa pagtatapos ng laban ay 77-74 para kay Inson, 77-74 kay Steele at 78-73 vs. Steele.
Maganda naman ang kinalabasan ng pagiging sparring partner ni George Kambosos Jr. ng Australia kay Pacquiao.
Higit na naging matagumpay ang unbeaten Australian lightweight prospect kontra Filipino southpaw na si Ray Perez sa bisa ng unanimous decision sa eight-round, 135-pound fight. (MC)





Comments