PHILRACOM COMMISSIONER’S CUP SLLP NGAYON SA CARMONA

MAGAGANAP ngayon ang kauna-unahang pakarera ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang 2019 Philracom “Commissioner’s Cup” sa bakuran ng San Lazaro Leisure Park, Carmona,Cavite.
Ang mga kalahok ay pangungunahan ng couple entry na Sepfourteen at Radio Active,Salt and Pepper, Electric Truth,Pangalusian Island at Mandatum.
Nakataya ang P1.5-M na papremyo na hahatiin sa apat na unang makatatawid sa finish line. Tatanggap ng halagang P900,000. ang tatanghaling kampeon sa karerang nabanggit at tatanggap naman P337,500. ang pangalawa, habang P187,500 ang 3rd placer at mag-uuwi ng P75,000 ang 4th placer.
Samantalang makatatanggap ng halagang P60,000 ang breeder ng mananalong kabayo. Pinapaboran ang Sepfourteen at Radio Active na entry ng SC Stockfarm Inc., at makakalaban ang mga kalahok na Salt and Pepper na entry ni Hermie Esguerra, Pangalusian Island ni Horse Owner W.T Tan at Electric Truth ni Sandy Javier Jr.
Tatawirin ng mga kalahok ang 1,750 meters na distansiya. Magiging mahigpit ang labanan para kunin ang titulo ng mga kalahok at inaasahan nang Bayang Karerista na babawi ang Salt and Pepper sa pagkakatalo sa nakaraang 46th PCSO Presidential Gold Cup sa San Lazaro Leisure Park.
Magbabanta namang makuha ang titulo ng Pangalusian Island na pumangalawa sa nakaraang Presidential Gold Cup.
Tip ni Mang Ding: Race 1- Highway Hill (9) Gold Water (1): Race 2- Pendant (6) Tequila Princess (2) Race 3- Cassie Dear(10) Clan Leader (9) Race 4- Entry No.1 Salt and Pepper(2) Race 5- Ashley’s Gift (6) Isa Pa Isa Pa (7) Entry No.9 Race 6- Already Feisty (2) GoldSmith(1) Race 7- Thunderinggf Hill(4) Crixus (9) Diamond Away(6) Race 8- App Da Bonus (8) Triton (2) Race 9- Captain of the Sea (2) You Are My Hero(8) Race 10- Hot and Spicy (2) War Dancer(4) Shoo In(5) Race 11- Danjugan Island (10) Awat na Boy (2) 1st.WTA(1-7) 1-9/2-4-6/10-5/1/6-7-9/1-2/4-6-8: 2nd.WTA(5-11)6-7-9/1-2/4-6-8/8/3-7-8/2-5/2-10-11
PICK 6(3-9) 10-5/1/6-7-9/1-2/4-6-8/8: PICK 6(6-11) 1-2/4-6-8/8/3-7-8/2-5/2-10-11: PICK 5(7-11) 4-6-8/8/3-7-8/2-5/2-10-11: PICK4(8-11) 8/3-7-8/2-5/2-10-11





Comments