Pandaraya sa atttendance sa 2 pinapasukang universities, buking… DEGREE NG 7 KOREAN CELEBS, KINANSE

KINANSELA ng Ministry of Education ng South Korea ang degrees ng mga Korean celebrities na sina Gi Kwang ng Highlight, Jun Hyung, Doo Joon, B2ST’s Hyun Seung, BTOB’s Eun Kwang, Sung Jae, and folk singer Choo Ga Yeol.
Ayon sa report ng AllKPop, sa isinagawang hearing ng Ministry of Education on Dongshin University and Busan Kyungsung University last January 14, the said universities were found guilty on giving preferential treatment sa mga nasabing celebrities.
The report also stated na sa nasabing hearing ay inamin ng dalawang unibersidad na minamarkahan ng “present” ang mga nasabing estudyante kahit wala ang mga ito sa klase by taking in broadcast activities as attendance.
Wala sa regulasyon or protocols before 2015 that students could take attendance some other way.
Ayon sa Ministry of Education ay hindi nila matatanggap ang attendance ng mga nasabing celebrities at nagdesisyong ikansela ang degrees ng 7 estudyante.
Nagbigay naman ng payo ang ilang netizens sa ibang mga artista na pinagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista.
Ayon sa kanila, marami namang online courses at puwede namang ‘yun na lang ang i-take. At kung mag-i-enroll naman sa unibersidad na nagri-require ng pagdalo ng regular classes ay dapat daw nilang obligahin ang sarili na um-attend ng klase despite of hectic schedules.





Comments