top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mister dedo, misis huli sa drug-bust

Pabs Hernandez III
Jan 20, 2019
1 min read

NUEVA VISCAYA—Isang mister na drug pusher ang napatay at nadakip naman ang misis nito sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Quezon, Solano sa lalawigang ito.

Kinilala ang nasawi na si Jalani Mangandaya, samantalang, ang misis nito na nadakip ng pulisya ay si Jasmin, kapwa nakatira sa nasabing bayan.

Nabatid na darakpin sana sa drug-bust operation ang mag-asawa, pero biglang pinagbabaril ni Jalani ang mga awtoridad kaya napilitan ang pulisya na gumanti ng putok kaya napatay ang suspek.

Samantala, ang misis ni Jalani na si Jasmin ay kusang sumuko nang dakpin ng pulisya sa nasabing lugar.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page