Kapalit daw ng mga branded bags, shoes, etc…IBINULGAR NI GRETCHEN: KAAWAY NIYA, TINULUNGAN NI KRIS S
- BULGAR

- Jan 20, 2019
- 4 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!
KAHAPON (Sabado, January 19) nang madaling-araw ay nagbigay na ng pahayag ang aktres na si Gretchen Barretto tungkol sa diumano’y pagsawsaw niya sa isyung kinasasangkutan ni Kris Aquino at ng dati nitong manager na si Nicko Falcis, kung saan ay tinawag niya ang Queen of All Media na “bully” at “power tripper”.
Hindi natapos dito ang pagbibigay ni Greta ng sentimyento sa isyu ni Kris dahil ipinost din niya sa kanyang Instagram story ang screenshot ng YouTube video ng pagbabanta ni Kris sa kanyang dating manager.
Kaya nitong Sabado, sa pamamagitan ng Instagram live, tuluyan na ngang binasag ni Gretchen ang kanyang katahimikan sa pagkakasangkot sa isyung kinakaharap ni Kris.
Nilinaw ni Gretchen ang pagkakabanggit ni Kris sa pangalang “Alice Eduardo” na dahilan diumano kung bakit siya nakikisawsaw sa isyu.
Aniya, “Okay, ‘yung kay Alice Eduardo, hindi po totoo. Alice Eduardo has always been my friend. Wala kaming alitan ni Alice Eduardo. Sa kapatid niya kami may alitan for businesses I don’t want to disclose now unless i-disclose nila.
“Si Tony Cojuangco, on February 2, magiging 25 years na kami, you know I’m so not into the business world. Alam n’yo naman ako, puro showbiz. ‘Pag creative ka, you’re not good in business. I accept that. Iniiwan ko ‘yun kay Dada (Tony Boy).
“Ladies and gentlemen, ano ba sinasabi ng ating pinakamamahal na Drama Queen na si Kris Aquino? Ang sinasabi niya, nadamay siya. Hindi po siya nadamay. Idinadamay niya ang sarili niya. Kung sinasabi n’yo, sawsawera ako, mas sawsawera po siya. Hindi po ako nagsasawsaw sa suka kung hindi niya sinasawsaw ang kanyang buhay sa aking buhay.
“Ako po ay nananahimik, matagal na. When she was in power, ladies and gentlemen, sinawsaw niya ang kanyang fingers sa aking buhay many times over. Like with Alice Eduardo, sinasabi niya… Okay, I hate to do this because Alice Eduardo means a lot to me also.
“Si Alice Eduardo po, many years ago, a few years ago, had (gotten) in trouble with her tax. I don’t want to say it but I will say it anyway because that’s me. Ako po ‘yan.
“Nagkaproblema si Alice Eduardo sa tax niya dito sa Pilipinas. She was being charged hundreds of millions or billions of pesos po at tinulungan po ni Kris Aquino kay Kim Henares if I’m not mistaken, para mapababa ang kanyang ibabayad kay Kim Henares o sa gobyerno natin. ‘Yun po ang nangyari. At that time, I was having tampuhan with her sister which I know I refuse to even say her name,” ang pahayag ni Gretchen.
Sinagot din ni Gretchen ang ibinibintang sa kanyang pagiging “sawsawera” ng mga netizens.
Para kay Gretchen, may dahilan ang kanyang pagsawsaw at may pinanggagalingan ito.
Aniya, “Ang akin kasi, I didn’t want to tell the truth. Ginaganu’n-ganu’n ko lang naman, eh, kasi there’s always a reason kung bakit tayo sumasawsaw. Ayoko magsawsaw pero meron tayong pinanggagalingan. Whether you bash me or not, I really don’t care. But at this point I will tell the truth. Hindi naman tayo nakikisawsaw. Ako, hindi ako nakikisawsaw sa buhay ng ibang tao kung hindi naman sinasawsaw ang buhay nila sa akin. Many times over nagsawsaw po ang isang Kris Aquino sa buhay ko. I’d like to answer that.”
Sa Instagram live ni Gretchen, sinabi niyang hindi lang daw personal ang pinaghuhugutan ng kanyang sama ng loob kay Kris Aquino.
Ani Gretchen, “Let’s talk about the taxpayer’s money. Unang-una, kasi hindi naman niya binanggit kung ano ‘yung totoo. Hindi ko ibabanggit ‘yung totoo hangga’t hindi niya aminin ang totoo. Ako naman kasi, I’ve always been transparent. I don’t have reason to lie. I don’t want to lie. It’s easier to say the truth….
“Kris, kung talagang mahal mo ang Pilipino at ang buong Pilipinas sana pinrotektahan mo ang mamamayang Pilipino. Because at that time na your brother (ABNOY) was in power, he was the president of the Philippines. Eh, ‘di ba, dapat kung kailangan magbayad si Alice Eduardo ng kanyang tax na tayo mga Filipino people ang talagang — how do you say it in Tagalog — we will reap the benefits, pero alam mo, tinulungan kasi ni Kris Aquino at that time si Alice Eduardo sa kanyang tax na bumaba ang bayad ni Alice Eduardo sa tax niya.
“Alam namin ‘yun dahil ipinagkakalat din ni Alice Eduardo at kanyang mga kapatid na tinulungan ni Kris Aquino at ang halaga lang daw is binabayaran lang daw ng mga pinagsha-shopping ni Gary, the gay friend from L.A. Gary Garcia from L.A., parang he would buy things from the States and send it to Kris Aquino. Of course, I felt so bad because alam mo, for whatever ‘yung mga pinagsa-shopping lang, ‘yun lang? Parang, ha? And she was supposed to pay a hefty amount. Du’n pumupunta. Pero one of the many reasons lang ‘yun, mga kaibigan.”
At kahit marami na raw ang umaawat sa kanya ay hindi siya titigil.
“No, I’m not going to stop. May mga nagsasabing stop. No, I’m not going to stop. You know, I am a Filipino. We all pay taxes. We all work very hard so my point is, pinrotektahan ni Kris Aquino when she was in power and when she was saying, ‘I love Ate Alice.’ Whatever girl, you love her so much. You know in exchange of like bags and clothes and shoes. And that’s so not fair.
“And right now, I hate to gloat that you’re suffering right now. I mean we don’t like that. We don’t gloat when somebody is suffering because that is karma. But right now that is what’s happening. You know what you do, what you give out into this universe you will receive and I will stop. Kung ano po ang nangyayari ngayon, I mean lahat naman tayo, may pag-iisip. Pag-isipan n’yo po whatever is happening to us right now is you make your own judgments,” ang naging pahayag ni Gretchen.





By the way, Kris Aquino fondly calls Alice Eduardo her ‘Ate Alice.’ So yes, there is no bad blood between the two.
https://whoiswealthier.blogspot.com/2022/11/alice-eduardo-or-kris-aquino.html