top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

BFF, binantaang ipapapatay sa pamilya niya…GRETCHEN, PINAGLARUAN SI KRIS, VIDEO KALAT NA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 20, 2019
  • 1 min read

PALABAN at ayaw talagang paawat ni Gretchen Barretto, at wa’ rin siya care kahit sabihang ‘saw­sawera’ sa demandahan at social media word war nina Kris Aquino at Nicko Falcis.

Pagkatapos nga ng social media post ni Gretchen kung saan pinatutsadahan niyang ‘bully’ at ‘power tripper’ si Kris, bukod sa pagpo-post ng screenshot ng pag­babanta ng TV host sa buhay ng kaalitang si Nicko Falcis, may latest viral video na naman si La Greta.

This time, kitang-kita sa video ang panggagaya niya sa famous line ngayon ni Kris na “Don’t step into the country, you will be dead. Papatayin ka ng aking pamilya,” habang waring hino-hostage-sinasakal ang kaibigang babae.

Marami ang nagtataka kung ano’ng pinaghuhugutan ng galit ni Gretchen kay Kris para tira-tirahin ang TV host. Kaya naman, bina-bash ngayon ang long-time partner ni Tony Boy Cojuangco ng mga followers ni Kris.

May ilang netizens ang rumesbak kay Gretchen at sinabing kung bully si Kris ay mas bully siya sabay tanong kung naka-drugs ba ang aktres dahil wala sa hulog ang mga pinagsasasabi.

Hirit din ng iba, super insecure lang si La Greta dahil pinag-uusapan na naman nga­yon si Kris kaugnay ng deman­dahan nila ni Nicko Falcis.

Well, ang isa pang latest ay ang pagbubulgar ni Gretchen ng pinaghuhugutan ng galit niya kay Kris na may kinalaman sa pagkampi-pagtulong noon ng TV host sa nakaalitang businesswoman ni La Greta.

Let’s see kung magagawa pa ring manahimik ni Kris pagka­tapos ng mga inamin ni Gretchen kung bakit ito galit sa kanya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page