Rider tepok sa riding-in-tandem
PANGASINAN—Isang rider ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Bantug, Umingan sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Juanito Molina, nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, habang sakay si Molino ng motorsiklo at angkas ang isang babae nang dikitan ito ng dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay din sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments