PAGCOR, nagbigay ng P4 milyon sa PNP-HPG

HELLO, Bulgarians! Traffic ang isa sa mga pangunahing problema sa ating bansa. Ilang rason kaya nagkakaroon ng matinding traffic ay dahil may disgrasyang nangyari na hindi agad naaaksiyunan at nagiging dahilan ng napakahabang trapik. Kaya ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay naghanda ng solusyon para rito.
Kamakailan, binigyan ng PAGCOR ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ng P4 million financial grant para makatulong sa kanilang mga proyekto at serbisyo. Paiigtingin pa lalo ang information technology dispatch system kabilang ang Global Positioning System (GPS), dashboard cameras, sim card on-line web tracking, fleet management system customization para sa HPG, wireless inter-connection para sa MMDA/CCTV network, 55’ LED monitors with PC command center package at android mobile phone para sa mobile monitoring.
Ibinahagi ni HPG Director Police Chief Superintendent Roberto Fajardo na sa lumalawak na ang teknolohiya ngayon kaya dapat sumasabay na rin sila para mapadali ang pag-aksiyon sa mga problemang nararanasan ng mga motorista, lalo na ang carnapping. Dagdag pa niya, “Ito ang gagamiting pang-monitor ng mga sasakyan, sa mga daanan ng ating kapulisan, sa carnapping at road safety awareness.
Ngayon, ‘yung reporting ng incidents ay kailangan pang itawag sa radio, pero kapag naset-up na ang bagong system, maii-check na online, mabilis ang data collecting, mapabibilis din ang reporting at pagresponde kapag may incidents like carnapping. With this new equipment, we will be able to enhance our services and strengthen our fight against criminality. Maraming salamat sa suporta ninyo sa PNP-HPG. Susuklian namin ito ng tapat na serbisyo para sa kababayan natin.”
Dahil sa tulong ng teknolohiyang ito ay nakamit ng HPG ang biggest achievement nila dahil nabawasan ng 30% ang carnapping sa ating bansa. Kaya naman patuloy lang ang pagtulong ng PAGCOR hindi lang sa PNP-HPG kundi pati na rin sa ating lahat.
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments