top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Lalo na kung hindi n‘yo bet ang mag-eyeglasses...TIPS PARA SA MAS MALINAW NA MGA MATA NGAYONG 2019

  • Justine Daguno
  • Jan 19, 2019
  • 2 min read

KASABAY ng pagtanda natin ang malaking pagbabago sa ating katawan ka­sama na ang kalu­sugan, partikular ang ating paningin. Sa rami ng nangya­yari sa bawat araw, gaano ba natin na­bibigyang-pansin ang pangangalaga sa ating mga mata? Ngayong 2019, kung gusto nating maging healthy ang ating paningin, make sure na iiwasan natin ang mga habit na ito:

1. STICKING TO UNHEALTHY DIET. Sino ba ang ayaw sa mga pagkain tulad ng french fries, hamburger, chips, fried chicken, pizza tapos may softdrinks pa? Naka­gugutom! Naku, guilty ta­yo rito, pero kahit gaano natin gusto ang mga ito, eh, mas maigi kung baba­guhin muna natin ang ating “menu of the day”. Doon muna tayo sa mga pagkaing nagtataglay ng Vitamin C at E, zinc at omega-3 fatty acids na kinakailangan natin para mag-function nang ma­ayos ang ating mga mata. Okay?

2. SMOKING. Hindi lang sa mga baga nakasa­sama ang paninigarilyo. Ayon sa ilang pag-aaral, may masamang epekto rin ang habit na ito sa ating mga mata dahil ang toxins mula sa nicotine ay nakaaapekto sa mga mata natin na nagdudulot ng pagka­labo nito at tulu­yang pagkabulag. Kaya naman sa mga tropa natin d’yan, mas oks kung mag­ku-quit na tayo sa pagi­ging “yosi-kadiri”. Ayos ba?

3. NOT GET­TING ENOUGH SLEEP. Ka­hit kayang maitago ng makeup ang naglalaki­han at nag-iiti­man na­ting eye bags, hin­di nito ka­yang pi­gilan ang ma­­sa­mang epek­to ng ku­lang na tulog. Ang nakaiiri­tang eye-twitching o pag­­­ku­rap-kurap ng ating mga mata ay dahil sa kaku­la­ngan natin sa tulog, kaya tulug-tulog din ‘pag may time, mga be­shy!

4. NOT DRIN­KING ENOUGH WATER. Ang pagi­ging de­hy­d­ra­ted ang da­hi­lan kaya na­gi­ging prone ta­yo sa dry eyes. Ayon sa ilang pag-aaral, maka­bubuti kung iinom tayo ng 7-8 baso ng tubig, araw-araw. Good ito para ma­ging hy­drated tayo. Drink water pa more!

5. USING EXPIRED EYE MAKEUP OR UNCLEAN MAKE-UP BRUSHES. Isa ito sa mga dahilan kaya ku­ma­kalat ang mga mikrobyo. So, ba­go tayo magpa­gan­da r’yan, make sure muna na hindi pa expired at ma­linis ang ating mga gina­ga­mit na make-up brus­hes, gets mo ba, be­shy?

6. STEP­­PING OUT IN­TO SUN­LIGHT WITH­­OUT EYE WEAR. Kung may sun­screen ta­yo para sa balat, si­gu­ra­duhin din natin na may pam­pro­tek­siyon ta­yo para sa ating mga mata.

Uga­liing magdala o mag­­suot ng shades. Hu­wag na­tin ha­hayaang ma-ex­posed tayo sa araw nang wa­lang suot na eyewear.

7. SPENDING TOO MUCH TIME ON YOUR GADGETS. Ma­rahil, alam natin na lahat ng sobra ay nakasasama tu­lad na lang kapag ma­dalas tayong tutok sa ating mga gadget.

Gayun­man, kung hin­di talaga natin maiiwasan, puwede nating i-adjust ang screen brightness, limita­han o i-sche­dule na la­mang ang oras ng pag­gamit nito. Oki­doki?

‘Ika nga, prevention is better than cure, kaya ha­bang oks at hindi pa tu­luyang nasisira ang ating paningin, mabuting big­yang-halaga natin ito ba­go pa lumala o tuluyang mawala.

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page