Babu sa 'Pinas, Ate Vi… LUIS AT JESSY, SA JAPAN NA TITIRA


THREE years pa lang sa April ang relasyon nina Luis Manzano at Jessy Mendiola, pero mukhang may mangyayari na ngang kasalan this year kung seryoso ang Minute to Win It host sa mga sinabi niya sa first episode ng vlog ng tisay na GF.
Napanood namin ang first episode kahapon ng vlog ni Jessy na in-upload sa YouTube. Mga adventure nila ni Luis sa Okinawa, Japan ang inikutan ng vlog ni Jessy kung saan dinalaw din nila ang ate ng aktres na may sariling pamilya na roon.
Ang napansin lang namin, medyo nahihiya pa at boring pang mag-vlog si Jessy kumpara kay Alex Gonzaga na pinakasikat na vlogger sa YouTube dahil sa mga nakakatawa at “out of this world” na pinaggagagawa ng sisterette ni Toni Gonzaga.
Buti na lang at sadyang komedyante talaga si Luis kaya interesting pa ring panoorin ang vlog ni Jessy.
Isa pang napansin namin sa mag-‘howhow’ (term of endearment nila sa isa’t isa) na ito, grabe palang magmahal si Luis at parang reyna niya si Jessy.
Imagine, kahit super-pagod at wala pang tulog ang TV host sa trip nilang ‘yun, all-out support siya kay Jessy sa pamamasyal nila at ipinag-drive pa niya ang GF at ang kapatid nito?!
Aliw na aliw din kami kay Luis nang umarte siyang parang pet dog habang tuwang-tuwa naman si Jessy na pinaglalaruan siya. Sa estado ni Luis na respetadong TV host at businessman, game na game siya sa mga ganu’ng katuwaan mapasaya lang ang kanyang Howhow.
Sa isang portion ng vlog, tanong ni Jessy kay Luis habang naglalakad sila sa Nago Pineapple Park, “Nakikita mo na ba ang future natin?”
Sagot naman ng BF, “Yup, ‘yun na ‘yun. In two months. ‘Yun na ‘yun,” kaya napa-“Hala!” na lang si Jessy.
Naku, kung seryoso si Luis, eh, di sa March, 2019 na ang kasal, ganern?!
Nu’ng karga-karga naman ni Jessy ang niece niya sa ateng si Pamela, panay din ang biro ni Luis na maghintay lang sila ng 9 months at may makakalaro na ang baby girl.
Sabi pa ni Luis kay Jessy, “So, let’s put this on record. Love, are you ready na?”
Wala namang hesitation na sagot ni Jessy, “I am ready with you. I’m always ready with you.”
Oh, taray, ‘di ba? Singsing na lang talaga ang kulang.
At dahil nag-enjoy sila sa Okinawa, Japan, napag-usapan din ng mag-‘howhow’ na bumili ng condo ru’n at du’n na tumira. Sabi pa nga ni Luis, willing siyang pumasok ng kahit ano’ng trabaho ru’n na related sa diving dahil mahilig siya sa water.
“Lahat ng pera natin, i-invest na natin para dito na tayo sa Okinawa,” hirit pa ni Luis kay Jessy na mukhang seryoso naman at ‘di naman siguro paasa lang, ‘no!
Samantala, sa teaser ng next episode ng vlog ni Jessy, nasabi ni Luis na 84 ang gusto niyang maging anak nila ng ‘mother of her children’.
Wow, lodi niya yata ang daddy ni Sen. Bong Revilla na si dating Sen. Ramon Revilla, Sr.!





Comments