Pinoy delegate nagbabala | MGA DADALO SA WORLD YOUTH DAY, MAG-INGAT!
UMAASA ang Philippine Embassy na magiging ligtas ang pananatili ng mga Pinoy delegate sa nalalapit na World Youth Day 2019 sa Panama City, Panama.
Dumating sa Panama City ang tatlong delegates mula sa Diocese of Bacolod, kamakalawa.
Naglabas ng advisory ang embahada at pinaalalahanan ang mga Pinoy na dadalo sa event na magdala ng mosquito repellent at mag-ingat sa mga kakaining pagkain at iinuming tubig.
Gayundin, pinayuhan ang mga ito na sundin ang mga road sign at instruction ng lokal na pamahalaan dahil posibleng magkaroon ng road blocks at alternatibong ruta sa paggunita sa World Youth Day.
Mahigpit umanong ipinagbabawal sa siyudad ang pag-inom ng alak sa mga kalye at non-designated areas.
Ang World Youth Day 2019 ay gaganapin sa Enero 22 hanggang 27 kung saan inaasahan din ang pagdalo ni Pope Francis.





Comments