Kung si Arjo, puring-puri… MARICEL, 'DI BILIB SA AKTING NI ANGEL


KILALANG prangka at ‘di plastic ang Diamond Star na si Maricel Soriano kaya nang ipa-rate sa kanya sa presscon ang galing sa pag-arte ni Angel Locsin na bida sa bagong Kapamilya seryeng pagsasamahan nila, ang The General’s Daughter, diretsahang sinabi ni Marya na “Eight” ang rating na ibinibigay niya kay Angel out of 1 to 10.
Coming from the Diamond Star na kilalang mataas ang standard, nakaka-happy nang marinig na 8 ang ibinigay niyang rating kay Angel bilang aktres at dapat na ngang ipagpasalamat ng mga fans.
Pero ang siste, imbes ma-happy and proud ang mga fans ni Angel, nag-react pa sila na bakit “8” lang ang rating ni Marya sa kanilang idolo samantalang “10” naman ang ibinigay nito kay Arjo Atayde na gumaganap na autistic na anak niya sa The General’s Daughter.
Sinundan pa ito ng todo-papuring sinabi ni Maricel kay Arjo dahil ngayon lang daw siya nakakita ng ganitong klase ng aktor na sobrang galing umarte.
Eh, kung ‘yun ang feeling ng Diamond Star na nakukulangan pa siya kay Angel, bakit naman kukuwestiyunin ng mga fans? Baka para sa standard niya, may puwede pang ilabas si Angel sa mga susunod niyang eksena o projects.
Wala namang masama sa sinabi niya at nagpakatotoo lang siya.





Comments