top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kahit gusto ng madir na maging close ang mag-ama…ANAK NI MELANIE, MASAMA ANG LOOB KAY LITO LAPID

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 18, 2019
  • 2 min read

MATAGAL nawala sa pulitika si Lito Lapid pero bumongga naman ang career niya sa telebisyon dahil sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinag­bibi­dahan ni Coco Martin.

Malaking tulong kay Lito para uma­ngat sa recent survey ng mga tatak­bong senador ang appearance niya sa FPJAP. At tiyak namang ieendorso rin ni Coco si Lito sa mga kampanya.

Nagkaroon naman kami ng chance na makausap ang isa sa mga unang naging girlfriends ni Lito sa showbiz noon na si Azenith Briones sa party ng kaibigan niya at character actress na si Isabel Rivas.

Nabanggit niya sa amin na gusto niyang bumalik sa showbiz at umarteng muli.

Pero ayaw naman daw niya ‘yung basta-basta lang na proyekto. Gusto niya, may katuturan at maganda rin ang role na gagawin niya. Except for Ang Probinsyano na type na type niyang lumabas kaya kahit ano’ng role ay ta­tang­gapin niya.

Gusto rin daw niyang makatrabaho ulit si Lito kahit may ‘ka-love team’ na ang action star na si Angel Aquino.

Nabanggit din sa amin ni Azenith na nagkaroon sila ng masinsinang pag-uusap ng isa pang ex ni Lito na si Melanie Marquez at maging ng solong anak nito kay Lito na si Manuelito. Naging close raw sila ni Melanie and there was a time na binisita niya ito at si Manuelito sa bahay ng mag-ina sa Amerika.

Matagal na raw na hindi nakakausap ni Ma­nuelito si Lito kaya ‘di maiaalis na mag­karoon ng tampo ang anak ni Melanie sa action star. Pero pinapayuhan daw ni Azenith na ‘wag mag­tampo si Manue­lito sa kanyang ama, bagkus ay subukang magkaroon ng contact with him.

Incidentally, nakita namin si Melanie sa pa-Christmas dinner ng sikat na radio host at talent manager na si Kuya Jobert Sucaldito sa kan­yang bahay. Kasama ni Melanie si Manuelito at ang American hubby na si Adam Lawyer.

Friends nga raw sila ni Azenith at dumalaw pa sa kanilang bahay sa Utah. Bilang ina, gusto niyang maging malapit si Manuelito sa kanyang ama. Pero dahil nasa tamang edad na ang anak kaya hinahayaan na niya sa mga desisyon nito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page