Bigtime tulak nasakote
Pabs Hernandez III
Jan 18, 2019
1 min read
DIPOLOG CITY—Isang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Upper Turno sa lungsod na ito.
Nakilala ang suspek na si Gerry Bendong, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang pulisya ng 29 sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Bendong na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments