top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Gretchen, suportado sa hirit na bully at power tripper ang TV host… ENCHONG, WALANG PAGSISISI SA BAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 17, 2019
2 min read

NAKAUSAP namin si Enchong Dee after ng presscon proper at hiningi namin ang reaksiyon niya sa posibleng isipin ng mga bashers na dahil lang may movie sila ni Janine Gutierrez na Elise kaya siya nakisawsaw kay Gretchen Barretto sa patutsada raw nito kay Kris Aquino.

Matatandaang recently, ni-like ni Enchong ang isang social media post ni Greta kung saan sinabi nitong “no to bullying at power tripping” bi­lang suporta kay Nicko Fal­cis na kaalitan at kade­man­dahan ngayon ni Kris.

Sabi ni Enchong, mahi­lig siyang mag-like ng mga posts at ang naisip na lang daw niya, ganu’n pala siya kaimportanteng tao para mapansin ng mga netizens ang pag-like niya sa post ng iba.

Pero paglilinaw niya, “It was not because of the movie. You know I would speak out of nowhere if it’s political, if it’s environmental. You know me, I would speak.”

Aware naman daw siya na patutsada kay Kris ang naturang post at katwiran lang niya, “I know what I liked.”

Kaya raw niyang panindigan ang ginawa pero ayaw niya na lang lumaki ang issue dahil wala siya sa posis­yon para makisawsaw kaya hindi na niya sinagot ang tanong namin kung may personal issue ba siya kay Kris.

At sa mga namba-bash sa kanya na nakikisaw­saw lang sa issue ni Kris, mala­man ang naging hirit ni Enchong na, “I know what I liked. I’m very, very sure with what I liked.”

Pero nilinaw din ng aktor na kapag nagkita sila ni Kris dahil iisang mundo lang naman ang iniikutan nila, ibibigay pa rin niya rito ang due respect at babatiin pa rin naman niya.

At least, may paninindigan si Enchong kaya napabilib naman kami sa kanya, ha?!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page