CARRY-OVER ANG WTA NGAYON

MAGANDANG karera ang magaganap ngayon gabi sa Metro Manila Turf Club kasabay ng Carry Over na P521,565.25 sa Winner-Take-All (WTA) sa Malvar, Batangas.
Sa “Additional One Win in Group Races” na gagawin, may guaranteed prize na P120,000 sa mananalong kabayo na kabilang sa Conditional Race at Group Race. Sa Race 1, magsisimula ang WTA, pinapaboran ang Hello Junior at Yes Music habang ang Alupay Star at Entry No. 3 ay para sa mga dehadista.
Maglalaban ang 9 na mananakbo sa paghataw ng Race 2 sa Condition Race 21, ipinapatok ang Double Rock habang ang Star of Matamis ang makakalaban ng mahigpit.
Sa panimula nang Pick 5, sa Race 3, pinapaboran ang Jun Tailor habang ang Hiroshima ay makakalaban ng mahigpit at ang couple entry no.1 ay para sa mga dehadista.
Tatlong kalahok ang maglalaban-laban sa Race 4 sa pagitan ng mga kalahok na Dance Lively, Bliss ay Couple Entry na Joy Joy Joy ay Onemoretimesweety, na umpisa ng Pick 4.
Sa Race 5, nakalalamang sa laban ang Gentleman Jim habang ang Couple Entry na Honeywersmy pants at Ginuhit ng Tadhana ang makakalaban habang ang Mighty Miggy ay para sa mga dehadista.
Magkakaalaman sa Race 6, sa paghataw ng 3 Year Old Group Race (5-6) na pangungunahan ni What A Feeling,Boss Emoong at The Accountant.
Magsisilbing parating sa WTA, PICK 6 at PICK 5 ang Can You Giub,Super Vista, at Entry No. 5 sa Race 7. Race 1 -Hello Junior(10) Yes Music (2)
Race 2- Double Rock (3) Star of Matamis (7) Race 3 Jun Tailor (5) Hiroshima(3) Race 4- Entry No. 2, Dance Lively (3) Bliss(5) Race 5 -Entry No.3 Gentleman Jim (6) Race 6- What A Feeling (2) The Accountant (4) Boss Emong (5); Race 7- Super Vista (8) Can You Giub (6) WTA(1-7)10-2-3/3/5/2-3-5/3-6/2-4-5/8-6-3: PICK 6(2-7) 3/5/2-3-5/3-6/2-4-5/8-6-3: PICK 5(3-7) 5/2-3-5/3-6/2-4-5/8-6-3: PICK 4 (4-7) 2-3-5/3-6/2-4-5/8-6-3.





Comments